Daniel 4:1
Ipinadala ni Haring Nebucadnezar ang atas na ito sa lahat ng mga lahi, mga bansa, at mga wikang naninirahan sa lupa: “Sumagana nawa ang inyong kapayapaan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 12:18Pagkatapos, ang Espiritu ay dumating kay Amasai na pinuno ng tatlumpu. Sinabi niya, “Kami ay sa iyo, David. Kami ay nasa iyong panig, anak ni Jesse. Kapayapaan, magkaroon nawa ng kapayapaan sa sinumang tutulong sa iyo. Kapayapaan sa mga tumutulong sa iyo, sapagkat tinutulungan ka ng Diyos.” Pagkatapos, tinanggap sila ni David at ginawa silang mga pinuno sa kaniyang mga tauhan.
Ezra 5:7Nagpadala sila ng isang ulat, isinusulat ito kay haring Dario, “Sumainyo nawang lahat ang kapayapaan.
Esther 8:9Kaya pinatawag ang mga manunulat ng hari sa oras na iyon, sa ikatlong buwan, na buwan ng Sivan, sa ikadalawampu't tatlong araw ng buwan. Isang kautusan ang isinulat na naglalaman ng lahat ng iniuutos ni Mordecai na may kinalaman sa mga Judio. Isinulat ito para sa mga panlalawigang gobernador, ang mga gobernador at mga opisyal ng mga lalawigang matatagpuan mula India hanggang Ethiopia, 127 na lalawigan, sa bawat lalawigan ang liham ay isinulat sa kanilang sariling pagsulat, at sa bawat lahi sa kanilang wika, at sa mga Judio sa kanilang pagsulat at wika.
Daniel 3:29Kaya gagawa ako ng isang kautusan na sinumang tao, bansa o wika ang magsalita ng anumang laban sa Diyos nina Shadrac, Meshac at Abednego ay pagpipira-pirasuhin at gagawing tambakan ng basura ang kanilang mga tahanan sapagkat walang ibang diyos ang makakapagligtas tulad nito.
Daniel 6:27Iniingatan niya tayo at inililigtas at gumagawa siya ng mga tanda at kababalaghan sa langit at sa lupa; iningatan niyang ligtas si Daniel mula sa kapangyarihan ng mga leon.”
Zechariah 8:23Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Sa mga panahong iyon, sampung kalalakihan mula sa bawat wika at bansa ang hahawakan nang mahigpit ang laylayan ng iyong balabal at sasabihin, “Sasama kami sa iyo, sapagkat narinig namin na kasama mo ang Diyos!'''''