Daniel 6:16
At nagbigay ng utos ang hari, at dinala nila sa loob si Daniel at inihagis nila siya sa yungib ng mga leon. At sinabi ng hari kay Daniel, “Iligtas ka nawa ng iyong Diyos na patuloy mong pinaglilingkuran.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 3:39At ako ay mahina sa araw na ito, kahit na ako ang nahirang na hari. ang mga kalalakihang ito, ang anak na lalaki ni Zeruias, ay napakalupit para sa akin. Nawa'y si Yahweh ang magbayad sa masamang tao, sa pamamagitan ng pagpaparusa sa kaniya para sa kaniyang kasamaan, gaya ng nararapat sa kaniya.”
Psalms 37:39Ang kaligtasan ng matutuwid ay nagmumula kay Yahweh; sila ay kaniyang pinangangalagaan sa mga panahon ng kaguluhan.
Psalms 118:8Mas mabuting kumanlong kay Yahweh kaysa magtiwala sa tao.
Isaiah 43:2Kapag ikaw ay dumaraan sa mga tubigan, ako ay kasama mo; at sa mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog, ni sa apoy ay hindi ka masasaktan.
Jeremiah 38:5Kaya sinabi ni Haring Zedekias, “Tingnan ninyo, siya ay nasa inyong kamay sapagkat wala namang haring may kakayahang pigilan kayo.”
Jeremiah 39:17Ngunit ililigtas kita sa araw na iyon—ito ang pahayag ni Yahweh—at hindi ka na ibibigay sa mga kalalakihan na iyong kinatatakutan.