Daniel 6:24
Nagbigay ng isang utos ang hari, na dalhin ang mga kalalakihang nagparatang kay Daniel at ihagis sila sa yungib ng mga leon, sila at ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga asawa. Bago sila sumayad sa sahig ay sinunggaban na sila ng mga leon at pinagbabali ang kanilang mga buto nang pira-piraso.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 19:18Dapat na gumawa ang mga hukom ng masigasig na pagtatanong; tingnan, kung ang saksi ay isang bulaang saksi at nagpahayag ng hindi totoo laban sa kaniyang kapatid,
Joshua 7:24Pagkatapos kinuha ni Josue, at buong Israel na kasama niya, si Achan na anak na lalaki ni Zerah, at ang pilak, ang balabal, ang bar ng ginto, kaniyang mga anak na lalaki at babae, kaniyang mga baka, kaniyang mga asno, kaniyang tupa, kaniyang tolda, at lahat ng mayroon siya, at dinala nila sila sa lambak ng Achor.
Esther 7:10Kaya binitay nila si Haman sa bitayang kanyang inihanda para kay Mordecai. Pagkatapos humupa ang matinding galit ng hari.
Esther 9:25Ngunit nang dumating iyon sa harapan ng Hari, nagbigay siya ng mga kautusan sa pamamagitan ng mga liham na ang masamang balak ni Haman na kanyang binuo laban sa mga Judio ay dapat ibalik sa kanyang sariling ulo at siya at ang kanyang mga anak na lalaki ay dapat bitayin sa bitayan.
Proverbs 11:8Ang isang taong gumagawa ng tama ay laging nailalayo sa kaguluhan, at sa halip ito ay dumarating sa mga masasama.
Daniel 3:22Dahil mahigpit na sinunod ang utos ng hari at pinainit ang pugon, ang apoy ang pumatay sa mga kalalakihan na nagdala kina Shadrac, Meshac at Abednego.