Daniel 7:20
Nais kong malaman ang tungkol sa sampung sungay sa kaniyang ulo at ang tungkol sa ibang sungay na tumubo bago pa mahulog ang tatlong sungay. Nais ko pang malaman ang tungkol sa sungay na mayroong mga mata at tungkol sa bibig na nagyayabang tungkol sa mga dakilang mga bagay na parang mas nakatataas ito sa kaniyang mga kasamahan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Daniel 7:8Habang pinagmamasdan ko ang mga sungay, tumingin ako at nakita ko ang isa pang sungay na tumubo mula sa kanila, isang maliit na sungay. Tatlo mula sa mga sungay ang pinihit palabas sa kanilang mga ugat. Nakita ko sa sungay na ito ang mga mata na tulad ng mga mata ng tao at isang bibig na nagmamayabang tungkol sa dakilang mga bagay.
Daniel 7:23Ito ang sinabi ng taong iyon, 'Ngunit para sa ikaapat na hayop, magiging ikaapat na kaharian ito sa daigdig na magiging kakaiba mula sa iba pang mga kaharian. Lalamunin, aapakan at dudurugin nito nang pira-piraso ang buong daigdig.
Daniel 11:36Gagawin ng hari ang lahat ng kaniyang ninanais. Itataas niya at palalakihin ang kaniyang sarili sa ibabaw ng bawat diyus-diyosan, at magsasalita ng mga bagay na kagulat-gulat laban sa Diyos ng mga diyos. Magtatagumpay siya hanggang sa maganap ang poot. Sapagkat matutupad ang ipinasyang magaganap.