Daniel 8:10
Naging napakalaki nito upang makipagdigma sa hukbo ng langit. Ang ilan sa mga hukbo at ilan sa mga bituin ay itinapon sa lupa at tinapakan sila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 14:13Sabi mo sa iyong puso, 'Aakyat ako sa langit, itataas ko ang aking trono sa taas ng mga bituin ng Diyos, at uupo ako sa bundok ng kapulungan, sa malayong bahagi ng hilaga.
Daniel 8:7Nakita ko na lumapit ang kambing sa lalaking tupa. Galit na galit siya sa lalaking tupa, sinugod niya ang lalaking tupa at binali ang dalawang sungay nito. Walang kapangyarihan ang lalaking tupa upang tumayo sa harapan niya. Ibinuwal siya ng kambing sa lupa at tinapakan siya. Walang sinuman ang makapagliligtas sa lalaking tupa mula sa kaniyang kapangyarihan.
Daniel 11:28At babalik ang hari ng Hilaga sa kaniyang lupain na may maraming kayamanan, ngunit lalabag ang kaniyang puso laban sa banal na tipan. Gagawin niya ang kaniyang ninanais at babalik siya sa kaniyang sariling lupain.
Daniel 11:33Magbibigay nang pang-unawa sa marami ang mga matatalinong tao. Ngunit sa loob ng ilang araw ay mamamatay sila sa espada at sa apoy, bibihagin sila bilang mga bilanggo at nanakawin ang kanilang mga pag-aari.