Daniel 9:12
Pinatunayan ni Yahweh ang mga salitang kaniyang sinabi laban sa amin at laban sa mga namumuno sa amin, sa pamamagitan ng pagdadala sa amin ng malaking kapahamakan. Sapagkat sa ilalim ng kabuuan ng langit wala pang nangyaring anumang bagay na maaaring ihambing sa kung ano ang nangyari sa Jerusalem.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 3:9Kaya bigyan mo ang iyong lingkod ng maunawaing puso para hatulan ang iyong bayan, para malaman ko ang mabuti at masama. Dahil sino ang may kakayahang hatulan ang dakilang bansa mo na ito?”
Job 12:17Pinapangunahan niyang ilayo ang mga tagapayo ng nakayapak sa kalungkutan; inililiko niya ang mga hukom para maging hangal.
Psalms 82:2Gaano katagal kang hahatol nang walang katarungan at magpapakita ng pagtatangi sa masasama? Selah
Proverbs 8:16Sa pamamagitan ko, ang mga prinsipe ay naghahari at ang mga mararangal at lahat ng namamahala nang may katarungan.
Isaiah 44:26Ako si, Yahweh! - ang nagpapatupad ng mga pahayag ng kaniyang lingkod at isinasagawa ang payo ng kaniyang mga mensahero, na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem, 'Siya ay pananahanan' at ang mga lungsod ng Juda, sila ay muling itatatag, at ibabangon ko ang kanilang mga wasak na lugar'
Jeremiah 39:16“Magsalita ka kay Ebed-Melec na taga-Cush, 'Sinasabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Tingnan mo, gagawin ko na ang aking mga salita laban sa bayang ito para sa kapahamakan at hindi sa kabutihan. Sapagkat magkakatotoo ang lahat ng mga ito sa iyong harapan sa araw na iyon.