Daniel 9:8
Sa amin, Yahweh, ang kahihiyan ay sa aming mga mukha—para sa aming mga hari, sa aming mga pinuno at sa aming mga ninuno—dahil nagkasala kami laban sa iyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 21:15dahil ginawa nila kung ano ang masama sa aking paningin, at pinukaw ako para magalit, simula nang lumabas ang kanilang mga ninuno sa Ehipto, hanggang sa araw na ito.”
Nehemiah 1:6Pakinggan mo ang aking panalangin at buksan mo ang iyong mga mata, para marinig mo ang panalangin ng iyong lingkod na aking ipinanalangin sa harapan mo araw at gabi para sa mga bayan ng Israel na iyong mga lingkod. Ipinagtatapat ko ang mga kasalanan ng mga bayan ng Israel, na kami ay nagkasala laban sa iyo. Ako at ang tahanan ng aking ama ay nagkasala.
Jeremiah 7:19Ito ang pahayag ni Yahweh. Sinasaktan ba talaga nila ako? Hindi ba ang sarili nila ang kanilang sinasaktan, kaya nasa kanila ang kahihiyan?
Lamentations 1:7Sa mga araw ng kaniyang pagdadalamhati at kawalan ng tahanan, aalalahanin ng Jerusalem ang lahat ng kaniyang mga mamahaling kayamanang mayroon siya sa nakaraang mga araw. Nang bumagsak ang kaniyang mga tao sa kamay ng kaniyang mga kaaway, wala ni isang tumulong sa kaniya. Nakita at pinagtawanan siya ng kaniyang mga kaaway sa kaniyang pagkawasak.
Lamentations 3:42“Laban sa iyo kami ay nagkasala at naghimagsik, kaya kami ay hindi mo pinatawad.
Ezekiel 5:6Ngunit tinanggihan niya ang aking mga kautusan sa pamamagitan ng kasamaan higit sa mga bansa, at ang aking mga palatuntunan higit pa sa mga bansang nakapalibot sa kaniya. At tinanggihan nila ang aking mga hatol at hindi lumalakad sa aking mga palatuntunan!”