Deuteronomio 1:10
Pinarami kayo ni Yahweh na inyong Diyos, masdan ninyo, sa araw na ito kayo ay gaya ng mga bituin sa langit sa dami.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
9Nagsalita ako sa inyo nang panahong iyon, na nagsasabing, 'Hindi ko kayang dalhin kayo ng mag-isa.
Cross References
Genesis 15:5Pagkatapos siya ay dinala niya sa labas, at sinabing, “Tumingala ka sa langit, at bilangin mo ang mga bituin, kung kaya mo silang bilangin.” Pagkatapos sinabi niya sa kaniya,” Ganoon din karami ang iyong magiging mga kaapu-apuhan.”
Genesis 28:14Ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging tulad ng alikabok sa mundo, at ikaw ay kakalat sa kanluran, sa silangan, sa hilaga, at sa timog. Sa iyo at iyong mga kaapu-apuhan, ang lahat ng mga pamilya sa mundo ay pagpapalain.
Exodus 32:13Alalahanin mo sina Abraham at Isaac at Israel, iyong mga lingkod, na siyang sumumpa sa pamamagitan ng iyong sarili mismo at sinabi sa kanila, “Gagawin ko ang iyong mga kaapu-apuhan na kasing dami ng mga bituin sa kalangitan, at bibigyan ko ang iyong mga kaapu-apuhan lahat ng lupaing aking sinabi. Mamanahin nila ito magpakailanman.”
Deuteronomy 10:22Bumaba ang inyong mga ama sa Ehipto bilang pitumpung tao; ngayon ginawa kayo ni Yahweh na inyong Diyos na kasindami ng mga bituin sa kalangitan.
1 Chronicles 27:23Hindi binilang ni David ang mga may gulang na dalawampu o mas bata pa, sapagkat nangako si Yahweh na pararamihin niya ang Israel gaya ng mga bituin sa langit.
Ezekiel 16:7Pinalaki kitang katulad ng isang halaman sa isang kaparangan. Dumami ka at naging tanyag, at napalamutian ng mga hiyas. Namuo ang iyong dibdib at kumapal ang iyong buhok, ngunit ikaw ay hubo't hubad parin.