Deuteronomio 10:20
Katatakutan ninyo si Yahweh na inyong Diyos; siya ang inyong sasambahin. Kailangan ninyong kumapit sa kaniya, at mangangako kayo sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
19Kaya mahalin ang dayuhan; dahil naging dayuhan kayo sa lupain ng Ehipto.
Cross References
Deuteronomy 5:29O, na ipagpatuloy nawa nila ang ganitong puso na nasa kanila, na parangalan nila ako at patuloy na sundin ang aking mga utos, nawa ay makabuti ito para sa kanila at sa kanilang mga anak magpakailanman!
Deuteronomy 11:22Dahil kung masigasig ninyong susundin ang lahat ng mga utos na ito na sinasabi ko sa inyo, para gawin ang mga iyon, ibigin si Yahweh na inyong Diyos, lumakad sa lahat ng kaniyang mga kaparaanan, at kumapit sa kaniya,
Joshua 23:8Sa halip, dapat kayong kumapit kay Yahweh na inyong Diyos gaya ng nagawa ninyo hanggang sa araw na ito.
Psalms 63:11Pero magagalak ang hari sa Diyos; ang lahat ng nanunumpa sa kaniya ay ipagmamalaki siya, pero ang bibig ng mga nagsasalita ng kasinungalingan ay mahihinto.
Isaiah 45:23Ako ay sumusumpa sa aking sarili, sinasabi ang aking makatarungang atas, at hindi ito babalik: Sa akin ang bawat tuhod ay luluhod, bawat dila ay susumpa,
Luke 4:8Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Nasusulat, 'Dapat mong sambahin ang Panginoon mong Diyos, at siya lang ang dapat mong paglingkuran.”'