Deuteronomio 11:1
Sa gayon ay iibigin ninyo si Yahweh na inyong Diyos at palaging susundin ang kaniyang mga tagubilin, kaniyang mga batas, kaniyang mga panuntunan at kaniyang mga utos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 4:1Ngayon, Israel, makinig kayo sa mga batas at mga panuntunan na ituturo ko sa inyo, gawin ang mga ito; ng sa gayon maaari kayong mabuhay at makapasok at angkinin ang lupain na ibibigay sa inyo ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ama.
Deuteronomy 4:40Susundin ninyo ang kaniyang mga batas at ang kaniyang mga kautusan na aking iniutos sa araw na ito, para makabuti sa inyo at sa inyong mga anak kasunod ninyo, at nang mapahaba ninyo ang inyong mga araw sa lupain na ibibigay ni Yahweh magpakailanman.”
Deuteronomy 6:1Ngayon ito ang mga utos, mga batas, at mga panuntunan na iniutos sa akin ni Yahweh na inyong Diyos para ituro sa inyo, para sundin ninyo ang mga ito sa lupain na inyong pupuntahan sa Jordan para angkinin;
Deuteronomy 10:12Ngayon, Israel, ano ang kailangan ni Yahweh na inyong Diyos, maliban sa matakot kay Yahweh na inyong Diyos, para lumakad sa lahat ng kaniyang kaparaanan, para ibigin siya, at para sambahin si Yahweh na inyong Diyos ng buong puso at buong kaluluwa,
Deuteronomy 13:4Maglalakad kayo kasunod ni Yahweh na inyong Diyos, parangalan siya, susundin ang kaniyang mga kautusan, at sumunod sa kaniyang boses, at sambahin ninyo siya at kumapit sa kaniya.
Deuteronomy 30:6Tutuliin ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong puso at ang puso ng inyong mga kaapu-apuhan para mamahalin ninyo si Yahweh na inyong Diyos ng inyong buong puso at inyong buong kaluluwa, para kayo ay mabuhay.