The Bible Software
bible.software › Deuteronomio › Deuteronomio 12 › Deuteronomio 12:11

Deuteronomio 12:11

pagkatapos mangyayari ito sa lugar kung saan piliin ni Yahweh na inyong Diyos doon na manirahan ang kaniyang pangalan, doon dalhin ninyo ang lahat ng iniutos ko sainyo: ang inyong mga sinunog na handog, ang inyong mga alay, ang inyong mga ikapu, at ang mga handog na inihandog ng inyong kamay, at lahat ng inyong piling handog para sa mga panata na inyong ipapangako kay Yahweh.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Then there shall be a place which the LORD your God shall choose to cause his name to dwell there; thither shall ye bring all that I command you; your burnt offerings, and your sacrifices, your tithes, and the heave offering of your hand, and all your choice vows which ye vow unto the LORD:

In Context

10Pero kapag tatawid na kayo sa Jordan at maninirahan sa lupain na idinulot ni Yahweh na inyong Diyos na inyong mamanahin, at kapag binibigyan niya kayo ng kapahingahan mula sa lahat ng inyong mga kaaway na nakapalibot, nang sa gayon manirahan kayo ng ligtas,

12Magsasaya kayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, ang inyong mga anak na lalaki, ang inyong mga anak na babae, ang inyong mga lingkod na lalaki at ang inyong mga lingkod na babae at ang mga Levita na nasa loob ng inyong tarangkahan, dahil wala siyang bahagi o pamana sa inyo.

Read all of Deuteronomio 12

Cross References

Leviticus 17:4kung hindi niya ito dadalhin sa pasukan ng tolda ng pagpupulong upang ihandog bilang isang alay para kay Yahweh sa harap ng kanyang tabernakulo, ang taong iyon ay nagkasala na sa pagdanak ng dugo. Pinadanak niya ang dugo, at dapat ng itiwalag ang taong iyon mula sa kanyang bayan.

Deuteronomy 12:14pero ito ay sa lugar na pipiliin ni Yahweh na mula sa isa sa inyong mga lipi na ang inyong mga handog ay susunugin, at gagawin ninyo doon ang lahat ng bagay na sinabi ko sa inyo.

Deuteronomy 12:21Kung masyadong malayo mula sa inyo ang lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos na lagyan ng kaniyang pangalan, sa gayon papatay kayo ng ilan sa inyong mga hayop o inyong mga kawan na ibinigay ni Yahweh sa inyo, katulad ng sinabi ko sa inyo; maaari kayong kumain sa loob ng inyong mga tarangkahan, ayon sa inyong pagnanais.

Deuteronomy 14:23Dapat kayong kumain sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos, sa lugar na kaniyang pipiliin na kaniyang maging santuwaryo, ang ikapu ng inyong butil, ng inyong bagong alak, at ng inyong langis, at ang unang anak ng inyong mga hayop at inyong kawan; nang matutunan ninyong palaging parangalan si Yahweh na inyong Diyos.

Deuteronomy 15:20Dapat ninyong kainin ang panganay na lalaki sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos taon-taon sa lugar na pipiliin ni Yahweh, kayo at ng inyong sambahayan.

Deuteronomy 17:8Kung magkaroon ng napakahirap na bagay sa iyo sa paghatol—marahil ang isang katanungan ng pagpatay o aksidenteng kamatayan, ng karapatan ng isang tao at karapatan ng ibang tao o isang natatanging katanungan na masakit na nagawa o ibang uri ng bagay—mga bagay na pagtatalo sa loob ng tarangkahan ng inyong mga lungsod, pagkatapos dapat kayong umakyat doon sa lugar na pinili ni Yahweh na inyong Diyos bilang kaniyang santuwaryo.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Deuteronomio 12:11

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Deuteronomio 12:10Deuteronomio 12Deuteronomio 12:12 →