Deuteronomio 12:17
Hindi kayo maaaring kumain sa loob ng inyong mga tarangkahan mula sa ikapu ng inyong butil, ang inyong bagong alak, inyong langis, o ang panganay ng inyong hayop o kawan; at hindi kayo maaaring kumain ng anuman sa laman na inyong inialay kasama ng anumang mga panata na inyong ginawa, ni hindi ang inyong kusang-loob na mga handog, o ang mga handog na inihandog ng inyong kamay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
16Pero hindi ninyo kakainin ang dugo, ibubuhos ninyo ito sa lupa na parang tubig.
Cross References
Leviticus 27:30Lahat ng ikapu ng lupain, maging tumubong butil sa lupa o bunga mula sa mga puno, ay kay Yahweh. Banal ito kay Yahweh.
Deuteronomy 12:6Dadalhin ninyo roon ang inyong mga handog na susunugin, ang inyong mga alay, ang inyong mga ikapu, at ang mga handog na inihandog ng inyong kamay, ang inyong mga handog para sa mga panata, ang inyong kusang loob na mga handog, at ang panganay ng inyong mga hayop at mga kawan.
Deuteronomy 12:26Pero ang mga bagay na nabibilang kay Yahweh na mayroon kayo at ang mga handog para sa inyong mga panata—kukunin ninyo ang mga ito at pupunta sa lugar na pipiliin ni Yahweh.
Deuteronomy 26:12Kapag natapos kayo sa pagbibigay ng lahat ng ikapu ng inyong ani sa ikatlong taon, iyon ay, ang taon ng pag-iikapu, kung gayon dapat ninyong ibigay ito sa Levita, sa dayuhan, sa ulila, at sa balo, para makakain sila sa loob ng mga tarangkahan ng inyong lungsod at mabusog.
2 Chronicles 31:14At si Korah na anak ni Imna na Levita, na bantay sa silangang tarangkahan, ang namamahala sa mga kusang kaloob na handog sa Diyos, at siya ang namamahala sa pamamahagi ng mga handog kay Yahweh at ng mga handog na inilaan kay Yahweh.