Deuteronomio 12:18
Sa halip, kakainin ninyo ang mga ito sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, ang inyong anak na lalaki, anak na babae, ang mga lingkod na lalaki, mga lingkod na babae, at ang mga Levita na nasa loob ng inyong tarangkahan; magsasaya kayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos tungkol sa lahat ng bagay kung saan inilagay ninyo ang inyong kamay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 12:7Kakainin ninyo roon sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos at magsasaya tungkol sa lahat ng mga bagay na inyong ginagawa, kayo at ang inyong mga sambahayan, kung saan kayo ay pinagpala ni Yahweh na inyong Diyos.
Deuteronomy 12:14pero ito ay sa lugar na pipiliin ni Yahweh na mula sa isa sa inyong mga lipi na ang inyong mga handog ay susunugin, at gagawin ninyo doon ang lahat ng bagay na sinabi ko sa inyo.
Deuteronomy 14:23Dapat kayong kumain sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos, sa lugar na kaniyang pipiliin na kaniyang maging santuwaryo, ang ikapu ng inyong butil, ng inyong bagong alak, at ng inyong langis, at ang unang anak ng inyong mga hayop at inyong kawan; nang matutunan ninyong palaging parangalan si Yahweh na inyong Diyos.
Psalms 32:11Magalak kay Yahweh, at magalak kayo, kayong mga matutuwid; sumigaw sa galak, ang lahat ng pusong matuwid.
Proverbs 3:17Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kabaitan at lahat ng kaniyang mga landas ay kapayapaan.
Acts 2:46Nagpatuloy sila sa bawat araw na may iisang layunin sa templo, at nagpira-piraso sila ng tinapay sa kanilang mga tahanan, at namamahagi ng pagkain na may kagalakan at kapakumbabaan ng puso.