Deuteronomio 12:20
Kapag pinalawak ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong mga hangganan, tulad ng ipinangako niya sa inyo, at sinabi ninyo, 'Kakain ako ng laman,' dahil sa inyong pagnanais na kumain ng laman, maaari kayong kumain ng laman, gaya ng inyong pagnanais.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 15:18Sa araw na iyon gumawa si Yahweh ng tipan kay Abram, na nagsasabing, “Ibinibigay ko sa iyong kaapu-apuhan ang lupaing ito, mula sa ilog ng Ehipto patungo sa dakilang ilog ng Eufrates, ang Eufrates—
Genesis 31:30At ngayon, lumayo ka dahil labis ka nang nangulila sa bahay ng iyong ama. Ngunit bakit mo ninakaw ang aking mga diyos?”
Exodus 34:24Dahil palalayasin ko ang mga bansa sa harap ninyo at palalawakin ang inyong hangganan. Walang sinumang maghahangad na sakupin ang inyong lupain at kukuha nito kapag kayo ay haharap sa akin, Yahweh, ang inyong Diyos, tatlong beses sa bawat taon.
Numbers 11:20ngunit kakain kayo ng karne sa loob ng buong isang buwan hanggang sa ito ay lumabas sa inyong mga ilong. Ito ang magpapadiri sa inyo dahil itinakwil ninyo si Yahweh, na siyang kasama ninyo. Umiyak kayo sa kaniyang harapan. Sinabi ninyo, “Bakit pa natin iniwan ang Ehipto?''''''
Deuteronomy 11:24Bawat lugar na lalakaran ng inyong mga talampakan ay mapapasa inyo; mula sa ilang hanggang sa Lebanon, mula sa ilog, ang Ilog Eufrates, hanggang sa kanlurang dagat ay magiging hangganan ninyo.
Deuteronomy 19:8Kapag pinalawak ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong mga hangganan, gaya ng kaniyang ipinangakong gagawin sa inyong mga ninuno, at ibibigay sa inyo ang lahat ng lupain na ipinangako niyang ibibigay sa inyong mga ninuno;