Deuteronomio 12:6
Dadalhin ninyo roon ang inyong mga handog na susunugin, ang inyong mga alay, ang inyong mga ikapu, at ang mga handog na inihandog ng inyong kamay, ang inyong mga handog para sa mga panata, ang inyong kusang loob na mga handog, at ang panganay ng inyong mga hayop at mga kawan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 17:3'Ang sinumang tao na mula sa Israel na pumatay ng isang lalaking baka, tupa, o kambing sa loob ng kampo, o sa labas ng kampo, upang ialay ito—
Numbers 18:15Bawat bagay na nagpapabukas ng sinapupunan, lahat ng panganay na hinandog ng mga tao kay Yahweh, kapwa tao at hayop, magiging sa iyo. Gayunpaman, dapat tiyak na bilhin muli ng mga tao ang bawat panganay na anak na lalaki, at dapat nilang bilhin muli ang panganay na lalaki ng maruming mga hayop.
Deuteronomy 14:22Dapat ninyong tiyakin ang ikapu sa lahat ng bunga ng inyong pinunla, na kung saan lalabas mula sa bukid taon taon.
Deuteronomy 15:19Dapat ninyong ihandog kay Yahweh na inyong Diyos ang lahat ng mga panganay na lalaki sa inyong mga alagang hayop at sa inyong kawan; hindi kayo magtatrabaho gamit ang inyong panganay na alagang hayop, ni gupitan ang panganay sa inyong kawan.
1 Samuel 1:21Muli, umakyat sina Elkana at ang kanyang buong bahay upang maghandog ng taunang pag-aalay at tuparin ang kanyang panata.
2 Chronicles 31:14At si Korah na anak ni Imna na Levita, na bantay sa silangang tarangkahan, ang namamahala sa mga kusang kaloob na handog sa Diyos, at siya ang namamahala sa pamamahagi ng mga handog kay Yahweh at ng mga handog na inilaan kay Yahweh.