Deuteronomy 13:17
Wala ni isa sa mga bagay na iyon na inihiwalay para wasakin ang dapat manatili sa inyong kamay. Ito ang dapat na kalagayan, nang sa gayon tatalikod si Yahweh mula sa kabagsikan ng kaniyang galit, pakitaan kayo ng awa, may kahabagan sa inyo, at paparamihin ang inyong mga bilang, na ayon sa kaniyang isinumpa sa inyong mga ama.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 22:16at sinabing—ito ay isang kapahayagan mula kay Yahweh, “Nangangako ako sa aking sarili na dahil ginawa mo ang bagay na ito, at dahil hindi mo ipinagkait ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak,
Genesis 26:24Nagpakita si Yahweh sa kanya sa gabi ring iyon at sinabing, “Ako ang Diyos ng iyong amang si Abraham. Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo at pagpapalain kita at pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan, alang-alang sa aking lingkod na si Abraham.”
Exodus 20:6Pero magpapakita ako ng katapatan sa tipan sa libu-libong mga nagmamahal sa akin at susunod sa aking mga utos.
Numbers 25:4Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Patayin mo ang lahat ng pinuno ng mga tao at bitayin sila sa aking harapan upang ilantad sila sa liwanag ng araw, upang maalis ang aking matinding galit mula sa Israel.”
Deuteronomy 7:26Wala kayong dadalhin na anumang nakakasuklam na bagay sa loob ng inyong bahay at simulang sambahin ito. Tiyak na kamumuhian at kasusuklaman ninyo ito, dahil ito ay inihiwalay para wasakin.
Joshua 6:18Pero para sa inyo, mag-ingat kayo tungkol sa mga bagay na itinakda para wasakin, kaya pagkatapos ninyo silang tandaan para wasakin huwag ninyong kunin ang kahit ano sa mga iyon. Kung gagawin ninyo ito, gagawin ninyong isang bagay na dapat wasakin ang kampo ng Israel at magdadala kayo ng kaguluhan dito.