Deuteronomy 13:5
Ilalagay sa kamatayan ang propeta o nagbibigay kahulugan sa mga panaginip na iyon, dahil nagsasalita siya ng paghihimagsik laban kay Yahweh na inyong Diyos, ang siyang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto, at ang siyang tumubos sa inyo palabas sa bahay ng pagkaalipin. Gusto kayong ilayo ng propetang iyon sa daan kung saan kayo inutusang lumakad ni Yahweh na inyong Diyos. Kaya alisin ninyo ang kasamaan mula sa inyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 6:13Pararangalan ninyo si Yahweh na inyong Diyos; sasambahin ninyo siya, at mangangako kayo ayon sa kaniyang pangalan.
Deuteronomy 13:10Babatuhin ninyo siya hanggang sa kamatayan sa pamamagitan ng mga bato, dahil sinubukan niyang hilain kayo palayo mula kay Yahweh na inyong Diyos, na nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto, palabas sa bahay ng pagkaalipin.
Deuteronomy 18:20Pero ang propetang magsasalita nang may kayabangan sa aking pangalan, isang salita na hindi ko iniutos sa kaniya na sabihin, o magsalita sa pangalan ng ibang mga diyus-diyosan, ang propetang iyan ay dapat na mamatay.'
Deuteronomy 22:21kung gayon kailangan nilang dalhin palabas ang babae sa pintuan ng bahay ng kaniyang ama, at ang mga lalaki ng kaniyang lungsod ay dapat siyang batuhin, hanggang siya ay mamatay, dahil siya ay gumawa ng isang nakakahiyang asal sa Israel, na umasal gaya ng isang bayarang babae sa bahay ng kaniyang ama; at aalisin ninyo ang kasamaan mula sa inyo.
Deuteronomy 24:7Kung ang isang tao ay natagpuang dinudukot ang sinuman sa kaniyang mga kapatid mula sa bayan ng Israel at pinakitunguhan niya bilang isang alipin at binenta siya, ang magnanakaw na iyon ay dapat mamatay; at alisin ninyo ang kasamaan sa inyo.
Joshua 23:8Sa halip, dapat kayong kumapit kay Yahweh na inyong Diyos gaya ng nagawa ninyo hanggang sa araw na ito.