Deuteronomio 14:1
Kayo ang mga tao ni Yahweh na inyong Diyos. Huwag ninyong putulan ang inyong mga sarili, ni ahitan ang anumang bahagi ng inyong mukha para sa patay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 6:4Nasa mundo ang mga higante noong mga araw na iyon, at ganun din pagkatapos. Ito ay nangyari nang pinakasalan ng mga anak na lalaki ng Diyos ang mga anak na babae ng tao, at nagkaroon sila ng mga anak sa kanila. Ito ang mga malalakas na tao noong unang panahon, at mga lalaking kilala.
Leviticus 19:27Huwag sumunod sa mga gawain ng pagano tulad ng pag-ahit sa kanilang magkabilaang ulo o pagputol sa kanilang gilid mula sa kanilang balbas.
Leviticus 21:5Hindi dapat mag-ahit ang mga pari ng kanilang mga ulo o ahitin ang mga gilid ng kanilang balbas, o sugatan ang kanilang katawan.
Psalms 82:6Sinabi ko, “Kayo ay mga diyos, at lahat kayong mga anak ng Kataas-taasan.
Jeremiah 3:19Para sa akin, sinabi ko, 'Gayon na lamang kita nais parangalan bilang aking anak na lalaki at bigyan ka ng kaaya-ayang lupain, isang mana na mas maganda kaysa sa anumang nasa ibang bansa!' Sasabihin ko, 'Tatawagin mo ako, “aking Ama”.' Sasabihin ko na hindi ka dapat tumalikod sa pagsunod sa akin.
Jeremiah 31:9Darating sila na umiiyak, pangungunahan ko sila habang sila ay nagsusumamo. Paglalakbayin ko sila sa mga batis ng tubig sa isang tuwid na daan. Hindi sila madadapa dito, sapagkat ako ang magiging isang ama ng Israel at ang Efraim ang magiging una kong anak.”