The Bible Software
bible.softwareDeuteronomyDeuteronomy 14 › Deuteronomy 14:21

Deuteronomy 14:21

Hindi ninyo dapat kainin ang anumang hayop na kusang namatay; maaari ninyo itong ibigay sa dayuhan na nasa inyong mga tarangkahan, na maaari niyang kainin ito; o maaari ninyo itong ipagbili sa isang dayuhan. Sapagka't kayo ay isang bansa na inilaan para kay Yahweh na inyong Diyos. Dapat huwag ninyong pakuluan ang isang batang kambing sa gatas ng ina nito.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Ye shall not eat of any thing that dieth of itself: thou shalt give it unto the stranger that is in thy gates, that he may eat it; or thou mayest sell it unto an alien: for thou art an holy people unto the LORD thy God. Thou shalt not seethe a kid in his mother’s milk.

In Context

20Maaari ninyong kainin ang lahat ng mga malinis na bagay na lumilipad.

22Dapat ninyong tiyakin ang ikapu sa lahat ng bunga ng inyong pinunla, na kung saan lalabas mula sa bukid taon taon.

Read all of Deuteronomy 14

Cross References

Exodus 22:30Dapat din ninyong gawin sa inyong mga baka at sa inyong tupa. Dahil sa loob ng pitong araw mananatili sila sa kanilang mga ina, pero sa loob ng ikawalong araw dapat ninyong ibigay sila sa akin.

Exodus 34:26Dapat ninyong dalhin sa aking bahay ang pinakamagandang unang aning prutas mula sa inyong mga bukid. Hindi ninyo dapat ilaga ang batang kambing sa gatas ng ina nito.”

Leviticus 17:15Bawat tao na kumain ng isang patay na hayop o ginutay-gutay ng mga mababangis na hayop, maging ang taong iyon ay katutubo o isang dayuhang naninirahan kasama ninyo, dapat niyang labahan ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang sarili sa tubig, at patuloy siyang marumi hanggang gabi. Pagkatapos nito magiging malinis na siya.

Leviticus 22:8Hindi siya dapat kumain ng anumang bagay na natagpuang patay o pinatay ng mga mababangis na hayop, kung saan madudungisan niya ang kanyang sarili. Ako si Yahweh.

Ezekiel 4:14Ngunit sinabi ko, “O, Panginoong Yahweh! Kailan man ay hindi ako naging marumi! Hindi ako kailanman kumakain ng anumang namatay o anumang pinatay ng mga hayop, mula sa aking pagkabata hanggang ngayon, at hindi kailanman nakapasok sa aking bibig ang maruming karne!”

Daniel 12:7Narinig ko ang lalaking nakasuot ng telang lino na nasa ibabaw ng tubig—itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at kaliwang kamay sa langit at nangako sa nabubuhay magpakailanman na mangyayari ito sa isang panahon, mga panahon at kalahati, ito ay tatlo at kalahating taon. Kapag natapos ang pagsira sa kapangyarihan ng mga banal na tao, matatapos ang lahat ng mga bagay na ito.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Deuteronomy 14:21

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Deuteronomy 14:20Deuteronomy 14Deuteronomy 14:22 →