Deuteronomio 14:23
Dapat kayong kumain sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos, sa lugar na kaniyang pipiliin na kaniyang maging santuwaryo, ang ikapu ng inyong butil, ng inyong bagong alak, at ng inyong langis, at ang unang anak ng inyong mga hayop at inyong kawan; nang matutunan ninyong palaging parangalan si Yahweh na inyong Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 4:10sa araw na kayo ay tumayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa Horeb, nang sinabi sa akin ni Yahweh, 'Tipunin mo ang mamamayan, at ipaparinig ko sa kanila ang aking mga salita, na maaaring nilang matutunang matakot sa akin sa lahat ng mga araw na sila ay nabubuhay sa mundo, at nang ito ay maaari nilang ituro sa kanilang mga anak.'
Deuteronomy 12:6Dadalhin ninyo roon ang inyong mga handog na susunugin, ang inyong mga alay, ang inyong mga ikapu, at ang mga handog na inihandog ng inyong kamay, ang inyong mga handog para sa mga panata, ang inyong kusang loob na mga handog, at ang panganay ng inyong mga hayop at mga kawan.
Deuteronomy 12:14pero ito ay sa lugar na pipiliin ni Yahweh na mula sa isa sa inyong mga lipi na ang inyong mga handog ay susunugin, at gagawin ninyo doon ang lahat ng bagay na sinabi ko sa inyo.
Deuteronomy 15:19Dapat ninyong ihandog kay Yahweh na inyong Diyos ang lahat ng mga panganay na lalaki sa inyong mga alagang hayop at sa inyong kawan; hindi kayo magtatrabaho gamit ang inyong panganay na alagang hayop, ni gupitan ang panganay sa inyong kawan.