Deuteronomio 15:5
kung masigasig lamang kayong makinig sa boses ni Yahweh na inyong Diyos, para sundin ang lahat ng mga kautusan na ito na aking sinasabi sa inyo sa araw na ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:3Kung lalakad kayo sa aking mga batas at isaisip ang aking mga utos at susundin ang mga ito,
Deuteronomy 6:2para maparangalan ninyo si Yahweh na inyong Diyos, para sundin ang lahat ng kaniyang mga batas at mga utos na ipinapagawa ko sa inyo—kayo, inyong mga anak na lalaki, at anak na lalaki ng inyong mga anak, sa lahat ng mga araw ng inyong mga buhay, para ang inyong mga araw ay humaba.
Deuteronomy 26:14Hindi ko kinain ang anuman sa mga ito sa aking pagluluksa, ni inilagay ito sa ibang lugar nang ako ay marumi, hindi ko ibinigay ang anuman nito sa karangalan ng patay. Nakinig ako sa boses ni Yahweh na aking Diyos; sinunod ko lahat ng bagay na inutos mong gawin ko.
Joshua 1:7Maging malakas at napakatapang. Maging maingat na sundin ang lahat ng batas na iniutos sa inyo ng aking lingkod na si Moises. Huwag kayong lilihis mula rito sa kanan o sa kaliwa, para maging matagumpay kayo saan man kayo pupunta.
Isaiah 1:19Kung handa kayo at susunod, kakainin ninyo ang maiinam na bunga ng lupain.