Deuteronomio 15:7
Kung may isang taong mahirap sa inyo, isa sa inyong mga kapatid, saanman sa loob ng inyong mga tarangkahan sa lupain na ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, hindi dapat ninyo patigasin ang inyong mga puso ni isara ang inyong kamay mula sa inyong mahirap na kapatid;
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 15:9Mag-ingat kayo sa pagkakaroon ng isang masamang pag-iisip sa inyong puso, sa pagsasabing, 'Ang ikapitong taon, ang taon ng pagpapalaya, ay malapit na,' para hindi kayo maging maramot patungkol sa mahirap ninyong kapatid at walang maibigay sa kaniya; baka siya ay umiyak kay Yahweh tungkol sa inyo, at maging kasalanan ito para sa inyo.
Esther 9:22Ito ang mga araw na nakakuha ng kaginhawaan ang mga Judio mula sa kanilang mga kaaway, at ang panahon kung kailan ang kanilang pighati ay napalitan ng kagalakan, at mula sa pagluluksa naging isang araw ng pangilin. Gagawin nila ang mga iyon na araw ng kapistahan at pagsasaya, at ng pagpapadala ng mga regalong pagkain sa isa't-isa at mga regalo para sa mahirap.
Matthew 18:30Ngunit tumanggi ang naunang utusan. Sa halip, pumunta siya at itinapon siya sa kulungan, hanggang sa mabayaran niya ang kaniyang inutang.
1 John 3:16Sa pamamagitan nito alam natin ang pag-ibig, sapagkat inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa atin. Nararapat din nating ialay ang ating mga buhay para sa mga kapatid.