Deuteronomio 16:11
Kayo ay magsasaya sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, inyong anak na lalaki, inyong anak na babae, inyong lalaking tagapaglingkod, inyong babaing tagapaglingkod, ang Levita na nasa loob ng mga tarangkahan ng inyong lungsod, at ang mga dayuhan, ang mga ulila, at ang mga balo na nasasakupan ninyo, doon sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos para sa kaniyang santuwaryo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 12:7Kakainin ninyo roon sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos at magsasaya tungkol sa lahat ng mga bagay na inyong ginagawa, kayo at ang inyong mga sambahayan, kung saan kayo ay pinagpala ni Yahweh na inyong Diyos.
Deuteronomy 12:18Sa halip, kakainin ninyo ang mga ito sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos—kayo, ang inyong anak na lalaki, anak na babae, ang mga lingkod na lalaki, mga lingkod na babae, at ang mga Levita na nasa loob ng inyong tarangkahan; magsasaya kayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos tungkol sa lahat ng bagay kung saan inilagay ninyo ang inyong kamay.
Deuteronomy 16:14Kayo ay magagalak sa panahon ng pista—kayo, inyong anak na lalaki, inyong anak na babae, inyong lalaking tagapaglingkod, inyong babaing tagapaglingkod, ang Levita, ang mga dayuhan, ang mga ulila at ang mga balo na nasa inyo, na nasa loob ng inyong mga tarangkahan.
Isaiah 66:10Makisaya sa Jerusalam at magalak para sa kanya, lahat kayong nagmamahal sa kanya, kayo'y makisaya sa kanya, lahat kayong nagdalamhati para sa kanya!
Habakkuk 3:18Gayon man, magagalak ako kay Yahweh! Matutuwa ako dahil ang Diyos ang aking kaligtasan!
2 Corinthians 1:24Ito ay hindi dahil sa sinusubukan namin kayong pangunahan kung ano ang dapat sa inyong paniniwala. Sa halip, kami ay gumagawa kasama ninyo para sa inyong kagalakan, habang kayo ay naninindigan sa inyong pananampalataya.