Deuteronomio 16:14
Kayo ay magagalak sa panahon ng pista—kayo, inyong anak na lalaki, inyong anak na babae, inyong lalaking tagapaglingkod, inyong babaing tagapaglingkod, ang Levita, ang mga dayuhan, ang mga ulila at ang mga balo na nasa inyo, na nasa loob ng inyong mga tarangkahan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 14:29at ang Levita, dahil wala silang bahagi ni pamana na nasa inyo, at ang dayuhan, at ang ulila, at ang balo na nasa loob ng inyong mga tarangkahan, pupunta at kakain at mabusog. Gawin ito para pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gawain ng inyong kamay na inyong gagawin.
Deuteronomy 26:11at dapat kayong magsaya sa lahat ng mabuting ginawa ni Yahwen na inyong Diyos para sa inyo, para sa inyong tahanan—kayo, at ang Levita, at ang dayuhang kasama ninyo.
Esther 9:22Ito ang mga araw na nakakuha ng kaginhawaan ang mga Judio mula sa kanilang mga kaaway, at ang panahon kung kailan ang kanilang pighati ay napalitan ng kagalakan, at mula sa pagluluksa naging isang araw ng pangilin. Gagawin nila ang mga iyon na araw ng kapistahan at pagsasaya, at ng pagpapadala ng mga regalong pagkain sa isa't-isa at mga regalo para sa mahirap.
Isaiah 12:1Sa araw na iyon, sasabihin ninyo, “Magbibigay kami ng papasalamat sa iyo, Yahweh. Kahit na galit ka sa amin, nawala na ang iyong poot, at inaliw mo kami.
Isaiah 30:29Magkakaroon kayo ng awitin sa gabi kapag ipinagdiriwang ang isang banal na pista, at kagalakan ng puso, kapag ang isa ay pumunta dala ang isang plauta sa bundok ni Yahweh, sa Bato ng Israel.
Joel 1:16Hindi ba't nawala sa ating mga paningin ang pagkain, kagalakan at kasayahan mula sa tahanan ng ating Diyos?