Deuteronomio 16:18
Dapat gumawa kayo ng mga hukom at mga opisiyal sa loob ng lahat ng inyong mga tarangkahan ng lungsod na ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos; sila ay kukunin mula sa bawat mga lipi ninyo, at dapat sila ay humatol sa mga tao ng may matuwid na paghatol.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 18:21At saka, dapat pumili ka ng mga lalaking bihasa mula sa lahat ng mga tao, mga lalaking may takot sa Diyos, mga lalaking mapagpatotoo na napopoot sa hindi makatarungan. Dapat ilagay mo sila sa mga tao para maging mga pinuno na nangangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu at sampu-sampo.
Exodus 21:6pagkatapos dadalhin siya ng kaniyang amo sa Diyos. Dadalhin siya ng kaniyang amo sa pintuan o sa haligi ng pintuan at kailangang butasan ang kaniyang tainga ng kaniyang amo gamit ang isang pambutas. Pagkatapos ang lingkod ay maninilbihan sa kaniya ng buong buhay niya.
Deuteronomy 1:15Kaya kinuha ko ang mga pinuno ng inyong mga lipi, mga matatalinong lalaki at mga lalaking may magandang kalooban at ginawa silang mga pinuno ninyo, mga punong kawal ng libu-libo, mga punong kawal ng daan-daan, mga punong kawal ng lima-limampu, mga punong kawal ng sampu-sampu at mga pinuno, lipi sa lipi.
Deuteronomy 17:9Dapat kang pumunta sa mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Levi at sa mga hukom na naging tagasilbi ng panahong iyon, hahanapin mo ang kanilang mga payo at ibibigay nila sa inyo ang paghatol.
Deuteronomy 19:17Pagkatapos silang dalawa, kung sino sa pagitan nila ang may umiiral na pagtatalo, ay dapat tumayo sa harapan ni Yahweh, sa harapan ng mga pari at ng mga hukom na naglilingkod sa mga araw na iyon.
Deuteronomy 25:1Kung may pagtatalo sa pagitan ng mga tao at pumunta sila sa hukuman, at hinatulan sila ng mga hukom, sa gayon ay pawawalang sala nila ang matuwid at parurusahan ang masama.