Deuteronomio 17:11
Sundin ninyo ang batas na kanilang tinuro sa inyo at gawin ayon sa mga pasya na kanilang ibibigay sa inyo. Huwag kayong lumihis mula sa kung ano ang sasabihin nila sa inyo, sa kanang kamay o sa kaliwa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 5:32Kaya, susundin ninyo, kung ano ang iniutos ni Yahweh na inyong Diyos; huwag kayong liliko sa kanang kamay o sa kaliwa.
Deuteronomy 25:1Kung may pagtatalo sa pagitan ng mga tao at pumunta sila sa hukuman, at hinatulan sila ng mga hukom, sa gayon ay pawawalang sala nila ang matuwid at parurusahan ang masama.
Joshua 1:7Maging malakas at napakatapang. Maging maingat na sundin ang lahat ng batas na iniutos sa inyo ng aking lingkod na si Moises. Huwag kayong lilihis mula rito sa kanan o sa kaliwa, para maging matagumpay kayo saan man kayo pupunta.
2 Samuel 14:19Sinabi ng hari, “Kasama mo ba ang kamay ni Joab sa lahat ng ito?” Sumagot ang babae at sinabi, “Habang buhay ka, aking panginoon na hari, walang isa mang makakatakas sa iyong kanang kamay o sa kaliwa mula sa anumang bagay na sinabi ng aking panginoon na hari. Ang iyong lingkod na si Joab ang siyang nag-utos sa akin at sinabi sa akin ang mga bagay na ito na sinabi ng iyong lingkod.
Malachi 2:8Ngunit lumihis kayo mula sa totoong daan. Nagdulot kayo ng pagkatisod ng marami sa paggalang sa kautusan. Sinira ninyo ang kasunduan ni Levi,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
Titus 3:1Ipaalala sa kanila na magpasakop sa mga namumuno at may kapangyarihan, upang sundin sila, para maging handa sa lahat ng mabuting gawa.