Deuteronomio 17:12
Sinuman sa inyo ang nagmamayabang, sa hindi pakikinig sa pari na tumatayo para magsilbi sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos, o sa hindi nakikinig sa hukom—ang taong iyon ay mamamatay; aalisin ninyo ang masama mula sa Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
13Dapat makarinig at matakot ang lahat ng mga tao at hindi na magmayabang kailanman.
Cross References
Numbers 15:30Ngunit ang taong nakagawa ng anumang bagay sa pagsuway, maging katutubo siya o isang dayuhan, nilalapastangan niya ako. Dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga tao..
Deuteronomy 10:8Nang panahong iyon pinili ni Yahweh ang lipi ni Levi para dalhin ang kasunduan ni Yahweh, para tumayo sa harapan ni Yahweh para maglingkod sa kaniya, at pagpalain ang mga tao sa kaniyang pangalan, sa araw na iyon
Deuteronomy 13:6Ipagpalagay na ang inyong kapatid na lalaki, na anak na lalaki ng inyong ina, o ang inyong anak na lalaki o inyong anak na babae, o ang asawa ng inyong sinapupunan, o ang inyong kaibigan na sa inyo ay parang sarili ninyong kaluluwa, na palihim na umaakit sa inyo at sinasabing, 'Tayo'y pumunta at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan na hindi ninyo kilala, maging kayo o ng inyong mga ninuno—
Deuteronomy 17:7Ang kamay ng mga saksi ay dapat unang maglagay sa kaniya sa kamatayan at pagkatapos ang kamay ng lahat ng mga tao; at alisin mo ang kasamaan mula sa inyo.
Deuteronomy 18:7sa gayon dapat siyang maglingkod sa pangalan ni Yahweh na kaniyang Diyos gaya ng ginagawa ng lahat ng kaniyang kapatid na Levita, na siyang tumayo roon sa harapan ni Yahweh.
Joshua 1:18Malalagay sa kamatayan ang sinumang susuway sa iyong mga utos at hindi susunod sa iyong mga salita. Maging malakas lamang at matapang.”