Deuteronomio 17:20
Dapat niyang gawin ito para hindi magmataas ang kaniyang puso sa kaniyang mga kapatid at para hindi siya lilihis mula sa mga kautusan, sa kanan man o sa kaliwa, para sa layunin na humaba ang kaniyang mga araw sa kaniyang kaharian, siya at kaniyang mga anak, sa Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 4:2Hindi ninyo dagdagan ang mga salita na iniutos ko sa inyo, ni bawasan ang mga ito, sa gayon maaari ninyong sundin ang tungkol sa mga kautusan ni Yahweh na inyong Diyos na iniutos ko sa inyo
Deuteronomy 8:2Isasa-isip ninyo ang lahat ng mga kaparaanan ni Yahweh na inyong Diyos na nagdala sa inyo ng apatnapung taon sa ilang, para kayo ay ibaba niya, para subukin niya kayo para malaman kung ano ang nasa inyong puso, kung susundin ninyo ang kaniyang mga utos o hindi.
Deuteronomy 12:25Hindi ninyo ito kakainin, para lahat ay maging mabuti sa inyo, at ng inyong mga anak na susunod sa inyo, kapag ginawa ninyo kung ano ang tama sa mga mata ni Yahweh.
Deuteronomy 12:32Anuman ang sinabi ko sa inyo ay sundin ito. Huwag itong dagdagan o bawasan.
1 Samuel 10:25Pagkatapos sinabi ni Samuel sa mga tao ang mga kaugalian at panuntunan ng paghahari, isinulat ang mga iyon sa isang aklat at inilagay ito sa harapan ni Yahweh. Pagkatapos pinaalis ni Samuel ang mga tao, bawat lalaki sa kanyang bahay.
1 Samuel 15:23Sapagkat ang paghihimagsik ay tulad ng kasalanan ng panghuhula, at pagkasutil at tulad ng kasamaan at katampalasan. Dahil tinanggihan mo ang salita ni Yahweh, tinanggihan ka rin niya mula sa pagiging hari.”