Deuteronomio 17:9
Dapat kang pumunta sa mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Levi at sa mga hukom na naging tagasilbi ng panahong iyon, hahanapin mo ang kanilang mga payo at ibibigay nila sa inyo ang paghatol.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 16:18Dapat gumawa kayo ng mga hukom at mga opisiyal sa loob ng lahat ng inyong mga tarangkahan ng lungsod na ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos; sila ay kukunin mula sa bawat mga lipi ninyo, at dapat sila ay humatol sa mga tao ng may matuwid na paghatol.
Deuteronomy 21:5Dapat lumapit ang mga pari, mga kaapu-apuhan ni Levi, dahil sila ang pinili ni Yahweh na inyong Diyos para paglingkuran siya at para pagpalain ang mga tao sa pangalan ni Yahweh; makinig sa kanilang mga payo, dahil ang kanilang salita ang magiging pasya sa bawat pagtatalo at kaso ng pagsalakay.
Deuteronomy 33:10Itinuro niya kay Jacob ng inyong mga panuntunan, at mga batas sa Israel. Maglalagay siya ng insenso sa iyong harapan, at ang buong sinunog na mga alay sa inyong altar.
Jeremiah 18:18Kaya sinabi ng mga tao, “Halikayo, gumawa tayo ng masamang balak laban kay Jeremias, sapagkat ang kautusan ay hindi mawawala sa mga pari, o payo sa mga taong marurunong, o mga salita sa mga propeta. Halikayo, atin siyang labanan ng ating mga pananalita at huwag nang magbigay pansin sa anumang bagay na kaniyang ipapahayag.”
Haggai 2:11“Ganito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Tanungin mo ang mga pari tungkol sa kautusan, at sabihin mo:
Malachi 2:7Sapagkat ang labi ng pari ay dapat ingatan ang kaalaman at dapat sumangguni ang mga tao ng tagubilin sa kaniyang bibig, sapagkat siya ang aking mensahero, ako si Yahweh ng mga hukbo.