Deuteronomio 18:1
Ang mga pari, na mga Levita, at ang lahat ng lipi ni Levi, ay walang bahagi ni pamana sa Israel; dapat nilang kainin ang mga handog kay Yahweh na gawa sa apoy bilang kanilang pamana.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 18:8Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Tingnan mo, ibinigay ko sa iyo ang tungkulin sa pag-iingat ng mga handog na itinaas sa akin, at lahat ng mga banal na handog na ibinigay sa akin ng mga tao ng Israel. Ibinigay ko ang mga handog na ito sa iyo, at sa iyong mga anak na lalaki bilang iyong patuloy na bahagi.
Numbers 18:20Sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Hindi ka dapat magkaroon ng mana sa lupain ng mga tao, ni dapat magkaroon ng bahagi sa mga ari-arian ng mga tao. Ako ang iyong magiging bahagi at mana sa piling ng mga tao ng Israel.
Deuteronomy 10:9Kaya walang bahagi si Levi ni pamanang lupain kasama ang kaniyang mga kapatid na lalaki; si Yahweh ang kaniyang pamana, gaya ng sinabi sa kaniya ni Yahweh na inyong Diyos.)
Joshua 13:14Ang lipi lamang ni Levi ang hindi binigyan ni Moises ng pamana. “Ang mga handog kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, gumawa sa pamamagitan ng apoy,” ang kanilang pamana, tulad ng sinabi ng Diyos kay Moises.
Joshua 18:7Walang kabahagi ang mga Levita sa inyo, dahil ang pagkapari mula kay Yahweh ang kanilang minana. Tinanggap na ng Gad, Ruben at ang kalahating lipi ni Manases ang kanilang minana, lampas ng Jordan. Ito ang pamana na ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ni Yahweh.”
1 Peter 5:2Kaya nga, hinihikayat ko kayo, mga nakatatanda, pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na nasa inyo. Pangalagaan niyo sila, hindi dahil kailangan ninyo, pero dahil nais ninyo ito, ayon sa Diyos. Pangalagaan niyo sila nang maluwag sa inyong kalooban, hindi para sa pera.