Deuteronomio 18:22
kapag magsasalita ang isang propeta sa pangalan ni Yahweh, kung ang bagay na iyon ay hindi maganap ni mangyari, kung gayon iyon ay isang bagay na hindi sinabi ni Yahweh; sinasabi ito ng propeta ng may kayabangan, at hindi kayo dapat matakot sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 13:1Kung may lilitaw sa inyo na isang propeta o isang nagbibigay kahulugan sa mga panaginip, at kung siya ay magbibigay sa inyo ng isang palatandaan o isang himala,
1 Samuel 3:19Lumaki si Samuel, at kasama niya si Yahweh at wala sa kanyang mga salitang inihula ang nabigong magkatotoo.
2 Kings 20:1Sa mga panahon na iyon ay may sakit si Hezekias na maaari niyang ikamatay. Kaya pinuntahan siya ni Isaias ang anak ni Amoz, at sinabi sa kaniya, “Sinasabi ni Yahweh, 'Ihanda mo ang iyong sambahayan; dahil mamamatay ka na, at hindi na mabubuhay.'”
Isaiah 41:22Hayaan mong dalhin nila sa atin ang kanilang sariling mga argumento, hayaan mo silang lumapit sa atin at ipahayag sa atin ang mangyayari, para malaman nating mabuti ang mga bagay na ito. Hayaan mong sabihin nila sa atin ang mga bagay na noo'y ipinahayag na mangyayari, para ang mga ito ay mapag-isipan namin at para malaman kung paano ito natupad.
Jonah 3:4Nagsimulang pumasok si Jonas sa lungsod at pagkatapos ng isang araw na paglalakbay sumigaw siya at sinabing, “Sa loob ng apatnapung araw ang Ninive ay ibabagsak.”
Zechariah 1:5“Nasaan ang inyong mga ama? At ang mga propeta, naririto ba sila magpakailanman?