Deuteronomio 19:11
Pero kung sinuman ang nagagalit sa kaniyang kapit-bahay, inabangan siya, mangibabaw laban sa kaniya, at malubha siyang sinugatan kung kaya't namatay siya, at kung tatakas siya papunta sa isa sa mga lungsod na iyon—
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 9:5Subalit para sa iyong dugo, ang buhay na nasa iyong dugo, hihingin ko ang kabayaran. Mula sa kamay ng bawat hayop hihingin ko ito. Mula sa kamay ng sinumang tao, iyon ay, mula sa kamay na pumatay ng kanyang kapatid, aking hihingin ang pagsusulit sa buhay ng taong ito.
Exodus 21:12Sinumang manakit ng isang tao at ito ay namatay, ang taong iyon ay siguraduhing malalagay sa kamatayan.
Numbers 35:16Subalit kung hinampas ng isang akusadong tao ang kaniyang biktima gamit ang isang kasangkapang bakal, at kung mamamatay ang kaniyang biktima, ang akusado ay tunay ngang isang mamamatay-tao. Dapat tiyakin siyang patayin.
Deuteronomy 27:24'Nawa'y isumpa ang taong lihim na pinatay ang kaniyang kapwa.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'