Deuteronomio 20:14
Pero ang mga kababaihan, ang mga bata, mga baka, at lahat ng bagay na nasa lungsod, at lahat ng mapapakinabangan nito, kunin bilang inyo samsam ang lahat ng ito para sa iyong sarili. Gamitin ninyo ang nasamsam mula sa inyong mga kaaway, na siyang si Yahweh na inyong Diyos ang nagbigay sa inyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 31:12Dinala nila ang mga bilanggo, ang dambong, at ang mga nakuhang bagay kay Moises, kay Eleazer na pari, at sa sambayanan ng mga tao ng Israel. Dinala nila ang mga ito sa kampo sa kapatagan ng Moab, sa bandang Jordan malapit sa Jerico.
Numbers 31:3532, 000 na kababaihang hindi pa kailanman nakipagtalik sa sinumang lalaki.
Deuteronomy 2:35Ang mga baka lamang na ating kinuha bilang samsam para sa ating mga sarili, kasama ng mga sinasamsam sa mga lungsod na ating kinuha.
Joshua 11:14Kinuha ng hukbo ng Israel ang lahat ng ninakaw mula sa mga lungsod na ito kasama ng mga alagang hayop para sa kanilang mga sarili. Pinatay nila ang bawat tao gamit ang espada hanggang ang lahat ay namatay. Wala silang itinirang buhay na nilalang.
2 Chronicles 14:13Hinabol sila ni Asa at ang kaniyang mga kawal hanggang Gerar. Kaya marami sa mga taga-Etiopia ang namatay at ang iba ay hindi na nakabawi pa, dahil lubos silang nawasak sa harapan ni Yahweh at sa kaniyang hukbo. Marami ang nasamsam ng hukbo.
Psalms 68:12Nagsitakas ang mga hari ng mga hukbo, tumakbo sila, kaya pinaghati-hatian ng mga kababaihan na naghihintay sa tahanan ang mga nasamsam: