Deuteronomio 20:18
Gawin ninyo ito para hindi nila kayo turuang kumilos sa alinmang mga kasuklam-suklam na paraan, na ginawa nila sa kanilang mga diyus-diyusan. Kung gagawin ninyo, magkakasala kayo laban kay Yahweh na inyong Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 23:33Hindi sila dapat manirahan sa iyong lupain o gagawin ka nilang makasalanan laban sa akin. Kung sambahin mo ang kanilang diyos, siguradong ito ay magiging bitag para sa iyo.”
Deuteronomy 7:4Dahil ilalayo nila ang inyong mga anak na lalaki mula sa pagsunod sa akin, para sambahin nila ang ibang mga diyos. Kaya ang galit ni Yahweh ay magsisiklab laban sa inyo at wawasakin niya kayo agad.
Deuteronomy 12:31Hindi ninyo iyan gagawin sa paggalang kay Yahweh na inyong Diyos, dahil ang lahat ng bagay na kasuklam-suklam kay Yahweh, ang mga bagay na kinasusuklaman niya—ginawa nila ang mga ito sa kanilang diyus-diyosan; sinunog nila kahit pa ang kanilang mga anak na lalaki at kanilang mga anak na babae sa apoy para sa kanilang mga diyus-diyosan.
Deuteronomy 18:19Mangyayari ito kung mayroong hindi makikinig sa aking mga salita na sinasabi niya sa aking pangalan, hihingin ko ito sa kaniya.
Judges 2:3Kaya sinasabi ko ngayon, 'Hindi ko itataboy ang mga Cananeo sa harapan ninyo, pero sila ay magiging mga tinik sa inyong tagiliran, at ang kanilang mga diyus-diyosan ay magiging bitag para sa inyo.'”
1 Corinthians 15:33Huwag kayong padaya: “Ang masasamang kasama ay sumisira ng mabubuting ugali.”