Deuteronomy 21:18
Kung ang isang lalaki ay may isang anak na lalaki na matigas ang ulo at suwail na hindi sumusunod sa boses ng kaniyang ama o sa boses ng kaniyang ina, at sinuman, kahit na siya ay kanilang itinutuwid, hindi nakikinig sa kanila;
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 21:15Sinumang manakit sa kaniyang ama o ina ay dapat siguradong malagay sa kamatayan.
Leviticus 19:3Dapat gumalang ang bawat isa sa kanyang ina at kanyang ama, at dapat ninyong panatiliin ang araw ng aking pamamahinga. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
Deuteronomy 8:5Pag-isipan ninyo sa inyong puso, kung paano, bilang isang amang tinutuwid ang kaniyang anak, kaya tinutuwid kayo ni Yahweh na inyong Diyos.
2 Samuel 7:14Magiging isang ama ako sa kaniya, at magiging anak ko siya. Kapag magkasala siya, parurusahan ko siya ng pamalo ng mga kalalakihan at may kasamang paghagupit sa mga anak ng tao.
Proverbs 13:24Ang hindi dinidisiplina ang kaniyang anak ay napopoot dito, pero ang nagmamahal sa kaniyang anak ay maingat na disiplinahin ito.
Proverbs 19:18Disiplinahin mo ang iyong anak habang may pag-asa pa, at huwag mong patatagin ang iyong kagustuhan na ilagay siya sa kamatayan.