Deuteronomio 22:8
Kapag kayo ay nagpatayo ng isang bagong bahay, kung gayon dapat gumawa kayo ng isang barandilya para sa inyong bubong, para hindi kayo magdala ng dugo sa inyong bahay, kung sinuman ang mahuhulog mula doon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 22:6Kung kumalat ang apoy at kumalat sa mga tinik kaya ang mga nakasalansan na butil, o nakatayo na butil, o ang bukid ay natupok, siya na nagsimula ng apoy ay dapat siguraduhing gumawa ng pagbabayad-pinsala.
Isaiah 22:1Isang kapahayagan tungkol sa lambak ng pangitain: Ano ang dahilan ng pagakyat ninyong lahat sa mga bubungan?
Ezekiel 3:18Kapag sinabi ko sa masama, 'Tiyak na mamamatay ka' at hindi mo siya binigyan ng babala o nagsabi ng isang babala sa masama tungkol sa kaniyang masamang mga gawa upang siya ay mabuhay—mamamatay ang masama sa kaniyang kasalanan, ngunit sisingilin ko mula sa iyong kamay ang kaniyang dugo.
Ezekiel 32:2“Anak ng tao, managhoy ka tungkol kay Faraon, ang hari ng Egipto; sabihin mo sa kaniya, 'Para kang isang batang leon sa gitna ng mga bansa, parang isang dambuhala sa mga karagatan; pinalalabo mo ang tubig, pinapagalaw mo ang mga tubig sa pamamagitan ng iyong mga paa at pinapaputik mo ang kanilang mga tubig!
Matthew 18:6Ngunit ang sinuman ang magiging sanhi ng pagkakasala ng isa sa mga maliliit na bata na sumampalataya sa akin, mas mabuti para sa kaniya na talian ang leeg ng malaking batong gilingan, at dapat siyang ilubog sa kailaliman ng dagat.
Acts 10:9Bandang tanghali kinabukasan, sa kanilang paglalakbay papalapit sa lungsod, si Pedro ay pumunta sa bubungan upang manalangin.