Deuteronomio 23:5
Pero si Yahweh na inyong Diyos ay hindi nakinig kay Balaam; sa halip, si Yahweh na inyong Diyos ay ginawa pagpapala ang mga sumpa para sa inyo, dahil si Yahweh na inyong Diyos ay minahal kayo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
6Hindi ninyo dapat hanapin ang kanilang kapayapaan o kaunlaran, sa lahat ng inyong araw.
Cross References
Numbers 22:5Nagpadala siya ng mga mensahero kay Balaam na lalaking anak ni Beor, sa Petor na nasa tabi ng Ilog Eufrates, sa lupain ng kaniyang bansa at kaniyang mga tao. Tinawag niya siya at sinabi, “Tingnan mo, isang bansa ang dumating dito mula sa Ehipto. Kanilang sinakop ang buong lupain at sila ay narito na malapit sa akin.
Numbers 23:5Naglagay ng isang mensahe si Yahweh sa bibig ni Balaam at sinabi, “Bumalik ka kay Balak at magsalita ka sa kaniya.”
Numbers 24:9Yuyuko siya katulad ng isang leon, katulad ng isang babaeng leon. Sino ang mangangahas na gambalain siya? Nawa, ang lahat na magpapala sa kaniya ay pagpalain; nawa, ang lahat na sumumpa sa kaniya ay sumpain.”
Deuteronomy 7:7Hindi itinakda ni Yahweh ang pagmamahal niya sa inyo o pinili niya kayo dahil mas marami ang bilang ninyo kaysa sinuman sa mga tao- dahil kayo ang pinaka-konti sa lahat—
Joshua 24:10Pero hindi ako nakinig kay Balaam. Sa katunayan, pinagpala niya kayo. Kaya iniligtas ko kayo mula sa kaniyang kamay.
Proverbs 26:2Gaya ng isang maya na mabilis na nagpapalipat-lipat at ng layanglayang na humahagibis kapag sila ay lumilipad, gayundin hindi tatalab ang isang sumpa na hindi nararapat.