Deuteronomio 26:18
At sa araw na ito kayo ay kinilala ni Yahweh na mga taong kaniyang pag-aari, tulad ng pinangako niyang gawin sa inyo, at ndapat ninyong sundin ang lahat ng kaniyang mga utos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 6:7Dadalhin ko kayo sa aking sarili bilang aking bayan, at ako ay inyong magiging Diyos. Malalaman ninyo na ako si Yahweh, ang inyong Diyos, na nagdala sa inyo palabas mula sa pagkaalipin sa ilalim ng mga taga-Ehipto.
Leviticus 20:26Kayo ay dapat maging banal, dahil Ako, si Yahweh, ay banal, at ibinukod ko kayo mula sa ibang mga tao, dahil kayo ay aking pag-aari.
Deuteronomy 14:2Dahil kayo ang isang bansa na inilaan para kay Yahweh na inyong Diyos, at pinili kayo ni Yahweh na maging mga tao para sa kaniyang sariling pag-aari, higit pa sa lahat ng mga tao na nasa ibabaw ng mundo.
Deuteronomy 28:1Kung makikinig kayo ng mabuti sa boses ni Yahweh na inyong Diyos para sundin ang lahat ng kaniyang mga kautusan na sinasabi ko ngayon sa inyo, Itataas kayo ni Yahweh na inyong Diyos mula sa lahat ng ibang mga bansa sa mundo.
2 Samuel 7:24Itinatag mo ang Israel bilang iyong sariling lahi magpakailanman, at ikaw Yahweh, ang naging kanilang Diyos.
Psalms 135:4Dahil pinili ni Yahweh si Jacob para sa kaniyang sarili, ang Israel bilang kaniyang pag-aari.