Deuteronomio 26:5
Dapat ninyong sabihin sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos, 'Ang aking ninuno ay isang pagala-galang Arameo. Bumaba siya sa Ehipto at nanatili roon, at ang kaniyang lahi ay kakaunti ang bilang. Doon siya ay naging dakila, malakas at mataong bansa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 25:20Si Isaac ay apatnapung taong gulang nang mapangasawa niya si Rebeca, na anak na babae ni Bethuel ang Arameo ng Padan-aram, ang kapatid na babae ni Laban na Arameo.
Genesis 28:5Kaya pinaalis ni Isaac si Jacob. Pumunta si Jacob sa Paddan-aram, kay Laban na anak ni Bethuel na Aramean, kapatid ni Rebeca na ina nina Esau at Jacob.
Genesis 31:24Ngayon nagpakita ang Diyos kay Laban na Aramean sa isang panaginip sa gabi at sinabi sa kanya, “Mag-ingat kang magsalita kay Jacob, kahit masama man o mabuti.”
Genesis 43:1Matindi na ang taggutom sa lupain.
Genesis 45:7Nauna na akong ipinadala ng Diyos sa inyo upang pangalagaan kayo bilang mga nalalabi dito sa mundo at nang mapanatili kayong buhay sa pamamagitan ng dakilang kaligtasan.
Genesis 46:1Naglakbay si Israel dala lahat ng mayroon siya at nagtungo sa Beer-seba. Nag-alay siya roon ng mga handog sa Diyos ng kanyang amang si Isaac.