Deuteronomio 28:11
Gagawin kayo ni Yahweh na maging labis na masagana sa bunga ng inyong katawan, sa bunga ng inyong baka, sa bunga ng inyong lupa, sa lupain na kaniyang ipinangako sa inyong mga ama na ibibigay sa inyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:9Titingnan ko kayo ng may pagkampi at gagawin ko kayong mabunga at pararamihin kayo; Itatatag ko ang aking tipan sa inyo.
Deuteronomy 7:13Mamahalin, pagpapalain, at pararamihin niya kayo; pagpapalain niya rin ang bunga ng inyong mga katawan at bunga ng inyong lupain, inyong butil, inyong bagong alak, at ang inyong langis, ang pagpaparami ng inyong mga baka at ang inyong mga batang kawan, sa lupain na ipinangako niya sa inyong mga ama na ibibigay niya sa inyo.
Deuteronomy 30:9Si Yahweh na inyong Diyos ay gagawing masagana ang lahat ng ginawa ng inyong kamay sa bunga ng inyong katawan, sa bunga ng inyong mga baka, at sa bunga ng inyong mga pananim, para sa kasaganahan, para kay Yahweh muling masisiyahan ulit siya sa inyo sa kasaganahan, gaya ng pagkalugod niya sa inyong mga ninuno.
Psalms 107:38Pinagpala niya sila para maging napakarami. Hindi niya hinayaan ang kanilang mga baka na mabawasan ng bilang.
Psalms 132:11Nangako si Yahweh na magiging matapat kay David; hindi siya tatalikod mula sa kaniyang pangako: “Ilalagay ko ang isa sa iyong mga kaapu-apuhan sa iyong trono.