Deuteronomio 28:12
Bubuksan ni Yahweh para sa inyo ang kaniyang bahay-imbakan ng kalangitan para magbigay ng ulan para sa inyong lupain sa tamang panahon, at pagpapalain lahat ng gawa ng inyong kamay; magpapahiram kayo sa maraming bansa, pero hindi kayo manghihiram.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:4Sa gayon bibigyan ko kayo ng ulan sa kapanahunan nito; mapapakinabangan ang lupain at magbibigay ang mga punong kahoy sa bukid ng kanilang mga bunga.
Deuteronomy 14:29at ang Levita, dahil wala silang bahagi ni pamana na nasa inyo, at ang dayuhan, at ang ulila, at ang balo na nasa loob ng inyong mga tarangkahan, pupunta at kakain at mabusog. Gawin ito para pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gawain ng inyong kamay na inyong gagawin.
Deuteronomy 15:10Dapat ninyong tiyaking magbigay sa kaniya, at hindi dapat magdamdam ang inyong puso kapag magbibigay sa kaniya, dahil ang kapalit nito ay pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng inyong mga gawain at sa lahat ng paglalagyan ng inyong kamay.
Deuteronomy 28:44Papahiramin nila kayo, pero hindi kayo magpapahiram sa kanila; sila ang magiging ulo, at kayo ang magiging buntot.
Psalms 65:9Pumunta ka para tulungan ang mundo; dinidiligan mo ito; pinagyayaman ng lubos; ang ilog ng Diyos ay puno ng tubig; pinagkalooban mo ng mga butil ang sangkatauhan nang inihanda mo ang daigdig.
Proverbs 22:7Ang mayayamang tao ay pinamumunuan ang mahihirap na tao, at ang isa na siyang humihiram ay isang alipin sa isa na siyang nagpapahiram.