Deuteronomio 28:30
Ipagkakasundo kayo sa isang babae, pero kukunin siya ng ibang lalaki at pipilitin siyang sumiping sa kaniya. Magtatayo kayo ng isang bahay pero hindi maninirahan doon; magtatanim kayo ng isang ubasan pero hindi matatamasa ang bunga nito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 20:7Anong lalaki ang naroon na siyang nakatakdang ipakasal sa isang babae pero hindi pa niya pinakasalan? Hayaan mo siyang umalis at bumalik sa kaniyang bahay para hindi siya mamatay sa labanan at ibang lalaki ang mapangasawa niya.'
Job 20:18Pagbabayaran niya ang kaniyang mga pinaghirapan; hindi niya ito lulunukin; hindi siya magagalak sa kayamanan na nakuha niya.
Isaiah 5:9Sinabi sa akin ni Yahweh ng mga hukbo, maraming bahay ang mawawalan ng mga taong nakatira, kahit pa ang mga malalaki at magagandang bahay, ay walang nakatira.
Isaiah 65:21Magtatayo sila ng mga bahay at titirahan ang mga ito, magtatanim sila sa mga ubasan at kakainin ang mga bunga nito.
Jeremiah 8:10Ibibigay ko sa iba ang kanilang mga asawang babae at ang kanilang mga bukirin ay sa mga magmamay-ari ng mga iyon, sapagkat magmula sa pinakabata hanggang sa pinakadakila, napakasakim nilang lahat! Magmula sa propeta hanggang sa pari, lahat sila ay nagsasagawa ng panlilinlang.
Lamentations 5:2Ibinigay sa mga dayuhan ang aming mana; ang aming mga tahanan sa mga dayuhan.