Deuteronomio 28:51
Kakainin nila ang anak ng inyong baka at ng bunga ng inyong lupain hanggang hanggang sa kayo ay mawasak. Wala silang ititirang butil para sa inyo, bagong alak, o langis, walang mga anak ng inyong kawan, hanggang sa maidulot nila sa inyo ang pagkakapuksa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:26Kapag puputulin ko ang tustos ng inyong pagkain, sampung mga kababaihan ang makakaluto ng inyong tinapay sa isang hurnohan, at ipamamahagi nila ang inyong tinapay ayon sa timbang. Kakain kayo ngunit hindi mabubusog.
2 Kings 25:10Tungkol sa lahat ng mga pader na nakapaligid sa Jerusalem, winasak ang mga iyon ng lahat ng hukbo ng mga taga-Babilonia na nasa ilalim ng pinuno ng mga tanod.
Isaiah 62:8Si Yahweh ay nangako sa pamamagitan ng kaniyang kanang kamay at sa pamamagitan ng lakas ng kaniyang bisig, “Siguradong hindi ko na kailanman ibibigay ang inyong butil bilang pagkain para sa inyong mga kaaway. Ang mga dayuhan ay hindi iinom ng inyong bagong alak, na inyong pinagtrabahuhan.
Jeremiah 17:3Naalala nila ang kanilang mga altar na nasa mga bundok sa nayon. Gagawin ko ang inyong mga kayamanan bilang samsam para sa iba. Sapagkat ang inyong kasalanan ay nasa lahat ng mga hangganan.
Ezekiel 12:19At sabihin mo sa mga tao sa lupain, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh para sa mga naninirahan sa Jerusalem at sa lupain ng Israel: Kakainin nila ang kanilang tinapay nang may panginginig at iinumin ang kanilang tubig habang nangangatal, yamang masasamsam ang lupain at kabuuan nito dahil sa karahasan ng lahat ng mga naninirahan doon.