Deuteronomio 29:11
ang inyong mga anak, ang inyong mga asawa, at ang dayuhan na kasama ninyo sa inyong kampo, mula sa mga tagaputol ng inyong kahoy hanggang sa mga tagasalok ng inyong tubig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:48Kapag maninirahan ang isang dayuhan sa inyo at gustong obserbahan ang Paskua para kay Yahweh, lahat ng kaniyang lalaking kamag-anak ay dapat tuliin. Pagkatapos siya ay maaaring dumating at sundin ito. Siya ay magiging katulad ng mga taong ipinanganak sa lupain. Ganun pa man, walang sinumang taong hindi tuli ang makakakain ng anumang pagkain.
Deuteronomy 5:14pero ang ikapitong araw ay ang Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh na inyong Diyos. Sa araw na ito hindi na kayo gagawa ng anumang trabaho, ikaw, ni inyong anak na lalaki, ni inyong anak na babae, ni inyong lalaking tagapaglingkod, ni inyong babaeng tagapaglingkod, ni inyong baka, ni inyong asno, ni alinman sa inyong kawan, ni sino mang dayuhan na nasa loob ng mga tarangkahan. Para ang iyong lalaking tagapaglingkod at babaeng tagapaglingkod ay maaaring makapagpahinga ganoon din kayo.
Joshua 9:21Sinabi ng mga pinuno sa kanilang bayan, “Hayaan silang mabuhay.” Kaya, naging mamumutol ng kahoy at mga mananalok ng tubig ang mga Gabaonita para sa lahat ng mga Israelita, tulad ng sinabi ng mga pinuno tungkol sa kanila.
2 Kings 6:4Kaya sumama siya sa kanila, at nang makarating sila sa Jordan, nag-umpisa silang magputol ng mga puno.
2 Chronicles 23:16At gumawa si Joiada ng isang kasunduan, sa lahat ng tao at sa hari, na sila ay dapat maging mga tao ni Yahweh.
Galatians 3:28Walang Judio o Griego, alipin o malaya, lalaki o babae, sapagkat kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus.