Deuteronomio 29:23
at kapag nakita nila ang buong lupain na naging asupre at nasusunog na asin, kung saan walang ipinunla ni namumunga, kung saan walang mga halaman ang tumutubo, katulad ng pagkabagsak ng Sodom at Gomorra, Adma at Zeboiim, na winasak ni Yahweh sa kaniyang galit at matinding poot—
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 14:2na nakipagdigma sila laban kina Bera, hari ng Sodoma, Birsha, hari ng Gomorra, Shinab, hari ng Adma, Shemeber, hari ng Zeboim, at sa hari ng Bela (tinatawag ding Zoar).
Leviticus 26:32Sisirain ko ang lupain. Sobrang mabibigla ang inyong mga kaaway na naninirahan doon sa pagkakasira.
1 Kings 9:8At kahit na ang templong ito ay napakatayog ngayon, bawat isang mapapadaan dito ay mangingilabot at susutsot. Sasabihin nila, “ Bakit nagawa ni Yahweh ang ganito sa lupain at sa templong ito?
Job 18:15Ang mga tao na hindi kaniyang pag-aari ay maninirahan sa kaniyang tolda pagkatapos nilang makita na kumalat ang asupre sa loob ng kaniyang tahanan.
Isaiah 34:9Ang mga batis ng Edom ay mapapalitan ng alkitran, ang kaniyang alikabok ay asupre, at kaniyang lupain ay magiging sunog na alkitran.
Jeremiah 17:6Sapagkat siya ay tulad ng maliit na halaman sa Araba at hindi makikita ang anumang kabutihang darating. Siya ay nananatili sa mabatong lugar sa ilang, tigang na lupain na walang nananahan.