Deuteronomio 29:24
sasabihin nilang lahat kasama ng lahat ng ibang mga bansa, 'Bakit ito ginawa ni Yahweh sa lupaing ito? Ano ang kahulugan ng init ng labis na galit na ito?'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 9:8At kahit na ang templong ito ay napakatayog ngayon, bawat isang mapapadaan dito ay mangingilabot at susutsot. Sasabihin nila, “ Bakit nagawa ni Yahweh ang ganito sa lupain at sa templong ito?
2 Kings 18:12Ginawa niya ito dahil hindi nila sinunod ang tinig ni Yahweh na kanilang Diyos, pero nilabag ang kaniyang tipan, lahat ng inutos ni Moises ang lingkod ni Yahweh. Tinanggihan nilang makinig dito o gawin ito.
Jeremiah 5:19Mangyayari ito kapag sinabi ninyo, Israel at Juda, 'Bakit ginawa ni Yahweh na ating Diyos ang lahat ng mga bagay na ito sa atin?' At sasabihin mo Jeremias sa kanila, 'Kung paanong tinalikuran ninyo si Yahweh at sumamba sa mga dayuhang diyos sa inyong lupain, maglilingkod din kayo sa mga dayuhan sa isang lupaing hindi ninyo pag-aari.'
Jeremiah 22:9At sumagot ang isa, “Dahil pinabayaan nila ang kasunduan nila kay Yahweh na kanilang Diyos at yumukod sa ibang mga diyos at sumamba sa kanila.”
Lamentations 2:15Ipinapalakpak ng lahat ng mga dumadaan ang kanilang kamay sa inyo. Sumusutsot sila at iniiling ang kanilang mga ulo laban sa anak na babae ng Jerusalem at sinasabi, “'Ito ba ang lungsod na tinatawag nilang 'Ang Kasakdalan ng Kagandahan,' 'Ang Kagalakan ng buong Lupa?”'
Ezekiel 14:23Aaliwin ka ng mga nakaligtas kapag makikita mo ang kanilang mga kaparaanan at ang kanilang mga kilos kaya malalaman mo na ginawa ko ang lahat ng bagay na ito laban sa kaniya na hindi ko ito ginawa sa kanila nang walang kabuluhan! —Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!”