Deuteronomio 29:5
Pinamunuan ko kayo sa loob ng apatnapung taon sa ilang; ang inyong mga damit ay hindi naluma, at ang inyong mga sandalyas ay hindi napudpod sa inyong mga paa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 1:3Nangyari ito nang ikaapatnapung taon, ng ikalabing isang buwan, sa unang araw ng buwan, na nagsalita si Moises sa bayan ng Israel, sinasabi sa kanila ang lahat ng iniutos sa kaniya ni Yahweh na ukol sa kanila.
Deuteronomy 8:3Ibinaba niya kayo, at ginutom, at pinakain kayo ng manna, na hindi ninyo alam kung ano, ni ng inyong mga ninuno, ni ng inyong mga ama. Ginawa niya ang mga iyon para malaman ninyo na ang mga tao ay hindi lamang nabubuhay sa tinapay, kung hindi, ito ay sa pamamagitan ng bawat salita na nagmumula sa bibig ni Yahweh kaya nabubuhay ang mga tao.
Joshua 9:5Inilagay nila ang luma at sira-sirang mga sandalyas sa kanilang mga paa, at nagsuot ng luma, sira-sirang kasuotan. Lahat ng kanilang pagkaing panustos ay tuyo at inaamag.
Nehemiah 9:21Sa apatnapung taon ibinigay mo ang kanilang pangangailangan sa ilang, at hindi sila nagkulang. Ang kanilang mga kasuotan ay hindi nasira at ang kanilang mga paa ay hindi namaga.
Matthew 6:31Kaya huwag kayong mabalisa at sabihin, 'Ano ang aming kakainin?' o 'Ano ang aming iinumin?' o di kaya, 'Ano ang isusuot naming mga damit?'