Deuteronomio 3:2
Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Huwag mo siyang katakutan; dahil binigyan ko kayo ng tagumpay sa kaniya at inilagay ang lahat ng kaniyang mga tao at kaniyang lupain sa ilalim ng inyong pangangasiwa. Gagawin ninyo sa kaniya ang ginawa ninyo kay Sihon, hari ng mga Amoreo, na namuhay sa Hesbon.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 21:23Ngunit hindi pinayagan ni Haring Sihon ang Israel na dumaan sa kanilang hangganan. Sa halip, sama-samang tinipon ni Sihon ang lahat ng kaniyang hukbo at sinalakay ang Israel sa ilang. Nakarating siya sa Jahaz, kung saan nakipaglaban siya sa Israel.
Deuteronomy 2:24“'Ngayon tumayo kayo, magpatuloy sa inyong paglalakbay, at tumawid sa lambak ng Arnon; tingnan ninyo, ibinigay ko sa inyong kamay si Sihon ang Amoreo, ang hari ng Hesbon, at ang kaniyang lupain. Simulang sakupin ito, at makipaglaban kayo sa kaniya sa labanan.
Deuteronomy 20:3at sabihin sa kanila, 'Makinig kayo, Israel, malapit na kayo ngayon sa digmaan laban sa inyong mga kaaway; huwag kayong panghinaan ng loob; huwag kayong matakot, ni manginig, ni matakot sa kanila;
2 Chronicles 20:17Hindi ninyo kailangang makipaglaban sa labanan na ito. Manatili lamang kayo sa inyong kinatatayuan, manatiling nakatayo, at makikita ninyo ang pagliligtas ni Yahweh sa inyo, mga Juda at Jerusalem. Huwag kayong matakot o panghinaan ng loob. Lumabas kayo laban sa kanila bukas, dahil kasama ninyo si Yahweh.”
Isaiah 43:5Huwag kang matakot, dahil ako ay kasama mo; aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silangan, at titipunin kayo mula sa kanluran;
Acts 27:24at sinabing, “Huwag kang matakot, Pablo. Kinakailangan kang tumayo sa harapan ni Cesar, at makita na ang Diyos sa kaniyang kabutihan ay ibinigay na saiyo ang lahat na naglalayag kasama mo.