Deuteronomio 3:24
'O Panginoong Yahweh, sinimulan mong ipakita sa iyong lingkod ang iyong kadakilaan at malakas mong kamay; anong diyos ba ang nasa langit o nasa lupa ang makakagawa ng katulad ng mga ginawa mo, at katulad ng matitinding mga gawa?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
23Pinakiusapan ko si Yahweh nang panahong iyon sa pagsasabing,
Cross References
Numbers 23:23Walang kulam ang tatalab laban kay Jacob, at walang panghuhula ang makakapinsala sa Israel. Sa halip, dapat itong sabihin tungkol kay Jacob at kay Israel, 'Tingnan mo kung ano ang ginawa ng Diyos!'
2 Samuel 7:22Kaya dakila ka, Panginoong Yahweh. Dahil wala kang katulad, at walang ibang Diyos maliban sa iyo, gaya ng narinig ng aming mga sariling tainga.
Psalms 35:10Sa aking buong lakas sasabihin ko, “Sino ang katulad mo, Yahweh, na siyang nagliligtas sa mga api mula sa mas malakas kaysa sa kanila at ang mahihirap at nangangailangan mula sa mga nagtatangka na nakawan sila?”
Psalms 86:8Walang sinuman ang maihahambing sa iyo sa mga diyos, Panginoon. Walang mga gawa ang makakatulad sa mga ginawa mo.
Psalms 89:8Yahweh, Diyos ng mga hukbo, sino ang kasing lakas mo, Yahweh? Pinapaligiran ka ng iyong katapatan.
Psalms 145:3Dakila si Yahweh at karapat-dapat na papurihan; ang kaniyang kadakilaan ay hindi matatagpuan.