Deuteronomio 30:10
Gagawin niya ito kung susundin ninyo ang salita ni Yahweh na inyong Diyos, para panatilihin ang kaniyang mga kautusan at mga batas na nasusulat sa aklat ng kautusan, kung babalik kayo kay Yahweh na inyong Diyos ng inyong buong puso at inyong buong kaluluwa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 4:29Pero mula doon hahanapin ninyo si Yahweh na inyong Diyos, at matatagpuan ninyo siya, kapag hinanap ninyo siya ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa.
Deuteronomy 30:2at kapag bumalik kayo kay Yahweh na inyong Diyos at sumunod sa kaniyang boses, susundin ang lahat ng mga sinasabi ko sa inyo sa araw na ito— kayo at inyong mga anak— ng inyong buong puso at inyong buong kaluluwa,
Nehemiah 1:9pero kung kayo ay magbabalik sa akin at susunod sa aking mga kautusan at gagawin ang mga ito, kahit na ang iyong bayan ay nagkalat sa ilalim ng pinakamalayong kalangitan, titipunin ko sila mula doon at dadalhin ko sila sa lugar na aking pinili para mapanatili ang aking pangalan.'
Lamentations 3:40Siyasatin at suriin natin ang ating mga pamamaraan, at muling manumbalik kay Yahweh.
Ezekiel 33:11Sabihin mo sa kanila, 'Buhay ako—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—. Hindi ko ikinagagalak ang kamatayan ng masama, sapagkat kung pagsisisihan ng masama ang kaniyang pamamaraan, kung gayon mabubuhay siya! Magsisi kayo! Magsisi kayo mula sa mga masasama ninyong pamamaraan! Sapagkat bakit ninyo kailangang mamatay, sambahayan ng Israel?'
Ezekiel 33:19At kapag ang masama ay tumalikod sa kaniyang mga kasamaan at gawin ang makatarungan at matuwid, mabubuhay siya dahil sa mga bagay na iyon!